You are viewing hapipinat

pangarapin mo ang imposible [entries|archive|friends|userinfo]
hapipinat

[ website | My Website ]
[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

how to save my life. [Mar. 14th, 2011|09:21 pm]
[mood |confusedconfused]
[music |How to Save a Life *s.by The Fray]

hindi ko inakalang sa iyo ko rin idededicate ngayon ang isa sa mga paborito mong kantang lagi mong pinatutugtog nung magkasama tayo lagi noon. dahil sa ginawa mo...


HOW TO SAVE A LIFE
The Fray

Step one you say we need to talk
He walks you say sit down it's just a talk
He smiles politely back at you
You stare politely right on through
Some sort of window to your right
As he goes left and you stay right
Between the lines of fear and blame
You begin to wonder why you came

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life

Let him know that you know best
Cause after all you do know best
Try to slip past his defense
Without granting innocence
Lay down a list of what is wrong
The things you've told him all along
And pray to God he hears you
And pray to God he hears you

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life

As he begins to raise his voice
You lower yours and grant him one last choice
Drive until you lose the road
Or break with the ones you've followed
He will do one of two things
He will admit to everything
Or he'll say he's just not the same
And you'll begin to wonder why you came

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life
How to save a life
How to save a life

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life

CHORUS:
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life
How to save a life





raaaaawr. you are so....so.... EWAN!!! hindi ko alam kung ano nang patutunguhan nito. grrr... we need to talk. pero ayaw mo naman. akala ko magiging okay lang ang lahat after that usap? pero bakit parang hindi???? ako na ang nag-rreach out pero ikaw naman ang may ayaw. we need to save the friendship, don't you think?
 
 
sorry, rant. 
link3 comments|post comment

hello, livejournal! ako'y nandito na naman! [Jun. 13th, 2010|01:34 pm]
[mood |confusedconfused]
[music |Migraine *s.by Moonstar 88]

sa tinagal-tagal ng panahong nagdaan

tadhana, ako'y muli mong pinaglalaruan

panunukso'y tila walang hangganan

eto na nama't ako'y muli mong hinagkan

 

umiibig na naman nang di inaasahan

sa isang taong di ko dapat kahumalingan

ano ba naman itong aking katangahan

wala na naman ba itong katapusan?

 

araw-araw sarili'y pinahihirapan

lahat gagawin mapansin mo lamang

ano ba naman 'yong kahit saglit na ako'y iyong titigan

iyo pang ipinagkakait, iyon pa nama'y aking kaligayahan

 

tigilan na habang maaga pa, pangaral ng aking kaibigan

bago pa ito mapunta sa kung saan man

paano nga ba kita tuluyang titigilan?

kung lalo kitang minamahal habang ako'y iyong sinasaktan



puso'y dapat turuan

kailangang ikaw ay malimutan

kahit masakit sa aking kalooban

kaysa madurog ito nang tuluyan



ano ba naman itong kahibangan!

panigurado, sa dulo, ako na naman ang pagtatawanan!

mawala na sana itong aking kalituhan

nang di na ako laging mauuwi sa mahaba-habang inuman!



matagal-tagal pa ang ating pagsasamahan

buong taon pa akong sa iba'y magmamaang-maangan

damdami'y mahirap kalabanin, hay! ang buhay nga naman!

kapag ako'y di nakapagpigil, alam nyo na, bahala na si batman!


 

------------------------


Migraine
inawit ng bandang Moonstar 88


 

Migraine

by Moonstar 88

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sa’yo
Hindi sinasadya
Hahanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? andiyan pa ba sa iyo?

[Chorus]
Nahihilo, nalilito
Asan ba ‘ko sa ‘yo? asan ba ‘ko sa ‘yo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ‘ko sa ‘yo? aasa ba ‘ko sa ‘yo?

Naiinip na ako, naghihintay sa ‘yo
Masakit na ang ulo, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo
Yung tipong ang sagot
Ay di rin isang tanong

[repeat Chorus]

Dahil, ‘di na makatulog
Dahil ‘di na makakain
Dahil ‘di na makatawa
Dahil, di na

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako

[repeat Chorus]

Nahihilo
Nalilito

 

 


linkpost comment

life seems so empty [Nov. 2nd, 2009|05:39 pm]
[mood |blankblank]
[music |Don't Cry Out Loud *s.by Rachel Ann Go]


Argh. Stress forever.

 

Bakit ganun? Dati, pag nababakasyon ako, mas nakakapag-isip ako. Mas nakakapag-reflect ako sa buhay-buhay. Mas nalalagay ako sa tahimik. Mas nagiging at peace ako.

 

Ngayong natapos na ang sembreak, parang yung halos buong linggo kong itinahimik, parang mas lalo akong hindi napalagay. Ngayon ko lang naramdaman na ayaw ko na maging idle, na ayaw ko na muna magpakasenti, at na ayaw ko na muna maging mag-isa.

 

Nakakawindang. Nakakatakot.

 

Ang babaw ng breaking point ko ngayon. At yung nakakaloka dun, wala namang bagay na nag-ttrigger. I mean, wala naman akong problema recently, tulad last year ng ganitong time. Usually, I get senti rin kasi pag papalapit na ang birthday ko. Wala lang, konting reflection dito at doon sa nakalipas na taong inilagi ko rito sa mundo.

 

Na-realize kong parang lumutang lang ako this year. Hindi ko masabing naging napaka fruitless ng 20th year ko sa mundo, pero parang walang major super happy na nangyari for me. Or nalimutan ko lang. Or hindi ko lang inalala. Kumbaga, naalala kong marami akong ginawa. Pero hindi ko maalala yung mga lessons nun. Tas napaka-neutral lang ng feeling sa mga kinalabasan ng iba’t ibang sitwasyon. Parang short term lang lahat ng happiness, as compared before, na talagang tinetreasure ko lahat. Para lang nawalan ng gana. Parang yung feeling na gusto ko lang isuka lahat kapag may paparating na namang kung ano.

 

What stressed me more was when I realized the other night, while reading a good book, mind you, that I have so much things that I know I have to let go. Pero hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Things that I thought I’ve forgiven and forgotten in the past have returned. And they’re haunting me again, for some strange reason. Parang mumu lang. Questions have returned, many of them still left unanswered after so much deliberations, reflections, prayers, and tears. I just feel so hollow inside. Asan na yung isang taon kong pagiging buhay? Umiral pa ba ako o sadyang pinagdaanan at pinaglapas ko lang ang maraming bagay?

 

Don’t get me wrong. I think this stress is not about the work that I have. I love what I’m doing now. I love the fact that I’m teaching and that I’m able to touch lives and be flattered by my students’ random comments once in a while. Yun yung sa palagay kong mas nakakatakot. Kasi bigla na lang mag-sisink in sa akin yung sadness and loneliness. And believe me, as in random lang talaga na gusto ko lang manahimik muna at magtago. Mas nakakatakot kasi hindi ko alam kung paano uli mag-jjump back into happiness. Hindi naman pwedeng forever na lang ako magpaka-taong teatro, sa mga students ko, at sa mga tao sa paligid ko.

 

Alam ko na-solve ko na yung mga problema ko dati, eh. Alam ko natutunan ko nang magpatawad. Pero bakit ganito uli? Parang may mali. Parang may kulang. I try to be contented with what I have and with who I am right now, pero it seems that nothing’s happening. Andami nang sinubukang remedy, pero wala pa rin.

 

Usually, I’d post a list days or weeks before my birthday to let people know what I really want to do or to achieve before my next birthday comes. But for this year, well, for now, siguro ang gusto ko lang hilingin, I just want to be happy again. I mean, happy ako now, I can show off a smile, I’d occasionally  break into laughter, pero mas happy pa sana inside, mas happy pa sana yung spirit ko. I just want to remember the last few days of my 20th year here on earth to be very significant, in a good way. Kung magagawa ko lang, I’d like to go back to my old self na masaya, walang inaalala, optimistic, at matatag.  

 

This might sound selfish kasi alam kong pwede naman ako humiling kay Lord ng world peace – as in seryoso. Ayokong hihingi ako ng para sa akin lang. Pero the truth is, ngayon ko na-ffeel na gusto ko namang makapagpasaya ako mismo ng tao. Ngayon ko naffeel na hindi ko magagawa yun kung ako mismo eh, may nararamdamang puwang sa loob ko.

 

So how do I do it? How do I move on with life? Suggestions will be very much appreciated.

 

25 days left to find the answer.

link2 comments|post comment

nakakaasar, nakakabuwisit, nakakabaliw ka. [Oct. 29th, 2009|06:40 pm]
[mood |crazycrazy]
[music |Unexpected Song *s.by Bernadette Peters]

Naaasar ako.

 

Naaasar ako na lumalapit na naman ako sa puntong malapit ko nang kabaliwan ang isang taong hindi naman dapat kalokohan.

 

Parang tinamaan ata ako ng napakagasgas nang kasabihang, “distance makes the heart grow fonder.” Aba’y ngayon lang nangyari sa akin ‘to ah. Dati ‘pag ako ang lumalayo, kinakaya ko – kinakaya kong malimutan ang lahat. Eh bakit ngayon, parang habang lumalayo ako, lalo kong namimiss yung tao?

 

Grrr. This is bad. Really bad.

 

Nabubuwisit ako.

 

Nabubuwisit akong parang wala akong magawa. Parang lahat ng pag-eeffort ko, sa akin bumabalik. Parang tinatabla lang ang lahat.

 

Parang kahit anong dami at lalim na ng mga nagbibigay ng payo sa akin na kalimutan ko na siya, eh hindi umeepekto. Parang nananatili lang lahat-lahat ng ‘yun sa utak ko. Na-immune na ata ang puso ko sa mga ganong payo, at hindi na niya naaabsorb ang kahit anong sabihin ng iba. Nag-iinarte na naman, at parang wala pa ring preno sa ginagawang pag-ssuicide sa larangan ng pag-ibig – kahit na alam na masasaktan, kahit na alam na walang patutunguhan ang lahat, sige pa rin nang sige. Kumakabig pa rin. Lumulusot pa rin.

 

Grrr. This is worse. This is really worse than my experiences before.

 

Nababaliw ako.

 

Nababaliw ako sa mga nangyayari. Hindi ito ang tamang panahon para mabaliw pero habang lalo kong pinipilit na huwag ako maging baliw, eh mas lalo akong nababaliw. See? Ganun ako kabaliw, na nagiging repetitive na ang salitang baliw sa iisang pangugusap lang.

 

Parang habang pinipilit kong limutin ka, lalo kitang naaalala. Hanggang sa pagtulog ko, sinusundan mo ako. Ano ba naman, paano ba naman ako niyan makakakuha ng inaasam-asam kong beauty rest ngayong bakasyon? Eh sunod ka nang sunod sa akin! Gusto kong sumigaw maya’t maya, pero hindi ko magawa kasi wala akong lohikal na pagpapaliwanag kapag may nagtanong kung bakit ako sumigaw. Haha. Sobrang napaparanoid na ako. Ang stalker ng dating mo. Parang pati tadhana, pinaglalaruan ako. Lahat na lang ng pinanonood ko sa TV, lahat na lang ng binabasa kong mga libro, may mga koneksyon sa’yo, sa pagkatao mo, sa buhay natin (o may ganun ba even?).

 

Grrr. This is the worst. This is the worst feeling ever.

 

Yung hindi ko na alam kung anong isasagot at ikikilos sa mga ganitong sitwasyon? Paano ba dapat ang disposisyon ko sa mga ganito?

 

Patahimikin mo na ako. Linawin mo na. Aminin mo na.

Pipilitin kong hindi masaktan. Pipilitin kong maging totoo. Pipilitin kong hindi mabilog ng mga kalokohan mo. Magiging masaya ako. Masaya naman ako.

 

 

Lord naman, ganito ba talaga ang kailangan kong pagdaanan bago N’yo po kami pagtagpuin ng landas? :)


linkpost comment

(no subject) [Oct. 28th, 2008|10:21 pm]

kailan ba matatapos? kailan lahat malalaman? kailan malilinawan?

 

kailangan maging matapang.

 

blænd.

linkpost comment

(no subject) [Oct. 10th, 2008|01:01 pm]



PAGOD. ALONE. COKE. NUMB. BALIW. ENDLESS.


kailan matatapos?

linkpost comment

(no subject) [Oct. 5th, 2008|09:04 pm]

sige.

ipagpapabukas ko na lang ang desisyon na kailangan kong gawin.

hoping na maproseso ko ng slow ang lahat ngayong gabi.

at matapos bukas ng umaga.

i can't believe im saying this, pero bahala na.

pagdaraanan.

linkpost comment

(no subject) [Oct. 5th, 2008|06:32 pm]
[mood |crushedcrushed]
[music |If It Makes You Happy *s.by Sheryl Crow]


salamat din. salamat sa inyong lahat. you guys know who you are. sa inyong mga tumulong sa akin this week.

-------

super confused. tatanggapin ko na ba? eh, kung ganun ulit yung mangyari? eh, kung kasama rin siya nila? hindi ba nila naiintindihan yung halaga nito sa akin?

i so feel like worthless with this.

-------

hindi ko lang alam, ah. i know i have my own weaknesses. hindi ko lang alam kung may nakakaalala nun. kahit ilang beses kong sabihin, wala pa rin. wala talagang kwenta.

i thought people knew it all along? eh hindi eh. ayoko na nang paulit-ulit. kaya nga eto isa sa mga reasons ko kung bakit ayaw ko mag-share eh. kasi parang balewala lang sa mga tao.

yeah right. may mga sarili kayong issues. sige, AKO NA LANG ULIT. unahin muna natin yan. wala akong problema dyan. kasi importante kayo sa akin. sana lang, tratuhin nyo rin naman akong totoong tao.

remember, i don't hold grudges sa mga tao ng THAT LONG. tignan na lang natin.

manhid na ang mga taong concerned dito na hindi tinatamaan. masama na kung masama. you know me when i'm angry.

-------

sino ngayon ang hindi nag-rreach out?

but never mind. hindi ako naniningil o kung anuman sa sitwasyong ito.

huwag nyo lang masyado ipamukha sa akin naman.

-------

thanks, oreads. sa inyo ko lang ata talaga naramdaman na tao pa rin talaga ako. na kaya ko pa ring magkwento ng kung ano na may naniniwala pa rin sa akin. hindi ko na alam kung ano ba tingin nila sa akin dun.

pero i know na as long as i have you guys, kaya ko pa. kakayanin ko pa. kaya ko pa.

-------

If It Makes You Happy
-Sheryl Crow

I've been long, a long way from here
Put on a poncho, played for mosquitos,
And drank til I was thirsty again
We went searching through thrift store jungles
Found Geronimo's rifle, Marilyn's shampoo
And Benny Goodman's corset and pen


Well, o.k. I made this up
I promised you I'd never give up


If it makes you happy
It can't be that bad
If it makes you happy
Then why the hell are you so sad


You get down, real low down
You listen to Coltrane, derail your own train
Well who hasn't been there before?
I come round, around the hard way
Bring you comics in bed, scrape the mold off the bread
And serve you french toast again


Well, o.k. I still get stoned
I'm not the kind of girl you'd take home


If it makes you happy
It can't be that bad

If it makes you happy
Then why the hell are you so sad




We've been far, far away from here
Put on a poncho, played for mosquitos
And everywhere in between
Well, o.k. we get along

So what if right now everything's wrong?


If it makes you happy
It can't be that bad

If it makes you happy
Then why the hell are you so sad


-------

salamat ulit.

-------

hindi kayo nakakatulong kung hindi kayo naniniwala.

-------

numbness.

-------

MAG-ARAL PARA SA IKABUBUTI NG BAYAN!

linkpost comment

shoutouts [Sep. 29th, 2008|04:10 pm]
so, kailan na ulit?



hanggang kailan na ulit ako maghihintay?




sorry.


linkpost comment

(no subject) [Sep. 28th, 2008|05:57 pm]

si Lord na lang nga ata ang nakakaalam sa lahat ng pinagdaraanan ko ngayon.

hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa akin noong friday. ibig kong sabihin, hindi ko maipaliwanag. but the feeling was there. pati ang thoughts. pero wala yung solusyon. psychosomatize all over. psychosomatize to the nth level. wala na ulit akong nagawa kundi umakyat doon sa pinakaitaas. kung saan ko nararamdaman na kaya ko ang lahat. na abot ko pa rin ang lahat. kahit sa pagtingin lang.

inisip ko, hinangad kong magkasalubong tayo, para man lang masubukan kong magpaliwanag sa'yo ang lahat. habang wala ang iba. pero umasa na naman ako sa wala. mahirap talagang maghintay. pero kailangan tanggapin. you have your own issues.

i've been really working hard on how to get back on my feet. for some reason, things just keep on piling up, tas wala na. ewan. nada.

hindi ako naging handa nung friday. handa na kaya talaga ako para bukas? woo.

ngayon, parang gets ko na kung ano yung nararamdaman ng iba. hindi sinasadyang maramdaman ko yun, i know. nakalulungkot lang na ganun. tas ako pa yung walang solusyon para dun.

nagiging insensitive na rin ba ako? pero believe me, sinusubukan ko talagang maging ayos na ang lahat, I'VE BEEN HELPING MYSELF, pero pinangungunahan ako ng ibang factors.

maybe this time.

sorry kung hindi ako nagpakita sa inyo. i've missed a party. a session. a dinner. a bonding talk together. a reflection. a meeting. a planning. all because hindi ko kayang makasakit na naman ng iba. pumunta lang ako sa peaceful place ko nun saglit. ang dami ko pala namiss. pero iniisip ko rin, kung tumuloy ako, baka mas lalo kong namiss yung importance of being happy. being organized. being together.


pagninilay.


so tama ka ba? tama ka bang sabihin noon na napaka-busy kong tao na kailangan pa nilang magpa-appointment sa akin? tama bang dapat na nakinig na ako sayo noon? tama bang sinabi mo sa akin na nagpapakapagod lang ako sa wala?

andami kong namimiss na tao. sana alam mong isa ka dun.



-------
restore factory settings na po. please?
linkpost comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]